Malamig na simoy ng hangin, dumarampi,
Sa pisngi’t sa balat ay namamalagi
Hindi mawawaglit, hindi maitatanggi;
Ang samyo ng Pasko, parating ng muli!
Liwanag ng parol sa kakalsadahan
Liwanag na tanglaw sa dilim ng kagabihan;
Mga batingaw – himig Pasko- nag-aawitan
Tradisyunal na karoling, atin ulit
mauulinigan.
Habang si Nanay ay nagbabalot ng regalo,
Sa mga batang, bibisita’t hihingi ng
aguinaldo
At si Tatay naman abala sa pagluluto
Upang mamaya’y may mapagsaluhan sa
bisperas ng Pasko.
Hinihintay niyo ba na si Santa Claus ay
dumating?
Ang nakapulang lalaki, pasalubong ang
dating,
Ngunit ‘di ba, may mas mahalagang
pagtutuunan ng pansin
Ang kapanganakan sa sabsaban ng Panginoon
natin?
Sa munting bayan ng Bethlehem,isinilang
Ang sanggol na magliligtas sa buong
sambayanan
Tatlong Haring Mago, sa kanya’y bumisita
man,
Upang magbigay puri sa hari ng sanlibutan.
Nawa’y isapuso natin, tunay na diwa ng
Pasko
Buhayin at pag-alabin ang diwa sa ating
puso
Ang araw ng pagsilang ng Hari ng mundo
Ang pag-aalala sa araw sa Pasko ng mga
Pilipino
No comments:
Post a Comment