Saturday, May 10, 2014

Lumayo Ka Nga Sa Akin (Book Review)

                Ang manunulat ng mga akdang gumising sa katinuan at sentido ng sambayangang Pilipino tulad ng “Stainless Longganisa”, “MacArthur”, “Ang Paboritong Libro ni Hudas”- si Robert Ong o mas kilala sa tawag na “Bob Ong”. Dahil sa sagisag panulat niyang ito, nakilala siya sa paggamit ng impormal na Filipino sa paggammit ng nakakatawa at sumasailalim sa paglalawaran sa buhay bilang isang Pilipino. Tulad na lamang ng pang-siyamm niyang aklat na inilimbag noong 2011 ng Visprint Inc. Na pinamagatang “Lumayo Ka Nga Sa Akin”.

                Kung pamilyar ka sa Precious Hearts Romance, mapagkakamalan mong ito iyon. Dahil sa kulay pink na pabalat na nagpamukha talagang isa itong pocketbook. Nakapagtataka talagang iyon ay librong ginawa ni Ong. Sa pamagat pa lamang ay maguguluhan ka na talaga kung ano ang bagong pampalasa ang isinama nya dito.       

Nahahati sa tatlong chapter ang librong ito. Ang una ay pinamagatang “Bala sa Bala”, ”Kamao sa Kamao”,”Satsat sa Satsat “. Ito ay pinagbibidahan nina Diego at Divina Tuazon. Isa itong romantic at action fil na kwento. Ipinakita dito ang normal na eksena sa mga Pinoy Films tulad ng laging may nangyayaring pag-iibigan sa pagitan ng mayaman at mahirap at may aksidente sa reception matapos ang isang eksena ng kasal. Ang kwentong ito ay nagpapakita kung paano tayo nahuhumaling manuod ng mga overrated na pelikulang Pinoy.

Ang pangalawang chapter naman ay ang “Shake, Shaker, Shakiest.” Tinalakay naman dito ang horror clinches nating mga Pinoy. May isang pamilya ang natrap sa isang haunted house kung saan doon sila magpapalipas ng gabi dahil nasiraan ng sasakyan. May mga haunted na bagay na pinagmumulan ng ating mga takot.

At ang huli ay may pamagat na “Asawa ni Marie”. Kwento naman ito ng isang bidang inaapi at kontrabidang nang-aapi. Isa lamang itong pangkaraniwang eksena sa isang romantic/drama film na may halong awayang ng magkapatid at magkakapamilya.

Sa kabuuan, ang librong ito ay ang pinagsama-samang kwento mula sa “ABNKKBSNPLako” hanggang “Kapitan Sino”. Ngunit ang layunin talaga nito ay ipaalam ang malaking epekto ng media sa mga tao. Lalo na sa mga kabataan. Ayon pa nga sa isang tauhan sa kwento ng pelikula, ang tao ay may tatlong magulang – ang ama, ina, at ang media. Kung hindi maganda at mali ang pagpapalaki ng ama at ina, ang media ang magpapalaki dito at gagabay sa baluktot na paniniwala nating mga tao at magdadala sa liko at maling landas ng buhay.


Kung kaya’t para sa naghahanap ng kakaibang istorya na paglalaanan mo ng iyyong oras, siguradong kapag nabasa mo ang akdang ito – mahuhumaling ka na sa ganda ng librong ito!


(c) Ang Bukal - Opisyal na Pahayagan ng JJRMHS

No comments:

Post a Comment